Talunang Politiko Arestado dahil sa Shabu

Sinampahan na ng kasong paglabag sa dangerous drug act of 2002 ang naarestong indibidwal na kabilang sa target-listed drug personality ng Philippine Drug Enforcement Agency ARMM na naaresto noong byernes ng hapon.

Kinilala ni PDEA ARMM Officer in charge Valente Carino ang drug suspect na si Disomimba Abo alias Bobby Abo na miyembro ng isang local drug group sa bahagi ng Jose Lim Sr. St., Mother Barangay Bagua.
Nahuli si Abo matapos inilunsad ng mga otoridad ang search warrant sa kanyang bahay .

Narekober mula sa kanyang pag iingat ang 13 pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 15.05 grams at nagkakahalaga ng 90 thousand pesos, 5 units ng assorted short firearms, mga bala , 4 units ng cellphones, isang notebook na di umanoy listahan ng iba pang mga myembro at mga bank documents.


Si Bobby Abo ay natalong politiko matapos tumakbo bilang Board Member sa unang distrito ng Maguindanao noong 2013.

Facebook Comments