MANILA, PHILIPPINES – Inilabas na ng National Bureau of Investigation ang kanilang findings sa imbestigasyon sa pagkidnap at pagpatay sa south korean national na si Jee Ick Joo noong Oktubre.
Batay sa isinumiteng report sa Department of Justice – inirekomendang kasuhan ang mga sangkot sa tinaguriang “tokhang for ransom”, kabilang na ang ilang opisyal ng Phil. National Police.
Nahaharap sa kasong kidnapping with homicide, carnapping, robbery at violence against and intimidation of persons ang mga pulis na sina Supt. Rafael Dumlao, SPO4 Roy Villegas, SPO3 Ricky Sta. Isabel at Jerry Omlang.
Kasong obstruction of justice naman ang haharapin ng may-ari ng gream funeral services na si Gerardo Gregorio Santiago, Epehany Maraya Gotera, Police Supt. Allan Macapagal at ilang tauhan ng pnp anti kidnapping group na nagsagawa ng search operation sa nasabing punerarya.
Una nang kinukwestyon ng asawa ni Jee Ick Joo ang kredibilidad ng NBI na magsagawa ng imbestigasyon dahil sa pagkakasangkot ng ilang opisyal ng ahensya sa pagkamatay ng negosyante.