FIRE ALERT | 600 pamilya, apektado sa sunog sa Brgy Guadalupe Viejo, Makati

Makati City – Tinatayang nasa 600 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang nasa 300 bahay sa Bernardino street, Laperal Compound, Barangay Guadalupe Viejo, Makati City.

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog na nagsimula pasado ala-1:00 ng madaling araw at idineklarang fire under control makalipas ang tatlong oras.

Sa nasabing insidente, tatlong mga myembro ng Philippine Red Cross (PRC) ang nasugatan kung saan inaalam pa ng mga otoridad kung anong pinagmulan ng apoy at kung magkano ang pinsala ng mga ari-arian ang natupok.


Facebook Comments