*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang magsagawa ng fire drill ang bawat purok ng Brgy. District 3 dito sa Lungsod ng Cauayan bilang paghahanda sa mga hindi inaasahang sunog.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Brgy. Captain Bagnos Maximo Jr. sa RMN Cauayan makaraang magkaroon ng sunog sa brgy. Turayong dito sa lungsod ng Cauayan kung saan tinupok ng apoy ang dalawang bahay at umabot ang sunog sa ikalawang alarma.
Samantala, tuloy pa rin umano ang kanilang mga ginagawang programa sa Brgy. District 3 gaya ng pakikipagtulungan sa hanay ng kapulisan sa pagsugpo kontra sa iligal na droga.
Patuloy rin umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan hinggil sa tamang paghihiwalay ng mga basura at pagpapa-alala sa mga skedyul ng paghahakot ng mga garbage collector.
Kanya rin umanong dadagdagan at aaksyunan ang mga sirang streetlights sa mga lansangan na inirereklamo ng ilang mga residente ng kanyang nasasakupan.