Tumaas ng 22.45% ang mga naitalang insidente ng sunog sa buong bansa sa pag-gunita ng Semana Santa.
Ito ay batay sa mga datos na nakalap mula Abril 3 hanggang Abril 9.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Director for Fire Safety Enforcement Senior Superintendent Manuel Golino, mas mataas ito kumpara sa nakaraang taon.
Mula sa kabuuang 236 sunog kasama na noong nakaraang taon karaniwang naitala ng kawanihan ang structural fires, non-structural, grassfires, electrical post at rubbish fires at vehicular fires.
Ang karaniwang pinagmumulan ng sunog ay itinapong upos ng sigarilyo at electrical ignition.
Batay sa ulat ng BFP, kabilang sa deadly fires ay nangyari noong Black Saturday, Abril 8 ng gabi sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal na ikinasawi ng pito katao at abot sa 1.5 million ang pinsala.
Nauna rito ang sunog sa barangay Ugong, Valenzuela City noong Abril 4 na ikinamatay ng apat katao at dalawa pa sa San Jose, Occidental Mindoro noong Huwebes.