Manila, Philippines – Ipinahayag ni Quezon City Fire Marshal Senior Superintendent Manuel Manuel na naging problema nila sa pagtugon sa sunog sa Palengke ng Mega Q-Mart ang mga concrete barrier sa ilalim ng mrt 3 na nasa tapat ng palengke.
Tugon ito ni Quezon City Fire Marshal Senior Superintendent Manuel Manuel sa puna ng publiko na matagal na pagresponde ng mga truck ng bumbero sa sunog.
Aniya kailangan pang umikot ang mga firetruck sa Aurora Boulevard sa Cubao para marating ang palengke kanina.
Sa ngayon, hindi pa malaman ng BFP kung ilang stalls ang nasunog at kung magkano ang pinsala habang patuloy pa ang imbestigasyon nila dito.
Base sa impormasyon , sinasabing nagmula ang apoy sa bahagi ng kisame sa dry goods section na mabilis na kumalat sa bahagi ng palengke sa kanto ng Edsa at Ermin Garcia.
Umabot ng 4th alarm ang sunog at malaki daw ang naitulong ng malakas na ulan kanina kaya dakong alas 5:38 kanina ng ideklarang fire under control ng BFP ang sunog.
Wala nang dapat ikabahala ang mga nasa paligid o maging mga tao sa loob ng palengke dahil ganap nang ideneklarang fireout ng BFP ang sunog kaninang alas 6 :03 ngayong umaga.