Friday, March 6, 2026

FIRE SAFETY SA TAHANAN, PINAALALA NG PULISYA SA PUBLIKO

Naglabas ng paalala ang hanay ng pulisya sa publiko upang masiguro ang kaligtasan ng mga tahanan laban sa sunog.

Ayon sa kanilang advisory, mahalaga ang simpleng pag-iingat upang maiwasan ang sakuna na maaaring mangyari anumang oras.

Ilan sa mga pangunahing alituntunin na ipinaalala ng pulisya ay ang regular na inspeksyunin ang mga electrical cords upang maiwasan ang short circuit huwag iwanang walang bantay ang mga niluluto sa kalan, siguraduhing ligtas ang mga kandila at lampara at hindi malapit sa madaling masunog na bagay at ilayo sa abot ng mga bata ang posporo at lighter.

Binanggit ng pulisya na ang kaalaman at maingat na asal sa bahay ay pundasyon sa proteksyon ng pamilya at komunidad laban sa panganib ng sunog. Hinihikayat nila ang lahat na ipaalam sa barangay o lokal na pulisya ang anumang panganib o insidente upang mas mabilis na matugunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments