LINGAYEN, PANGASINAN – Umakyat na sa 18 ang firecracker-related injuries sa Pangasinan mula December 21 hanggang alas 9′ ng umaga ng January 1, batay sa datos ng Provincial Health Office.
10% itong mababa kung ikukumpara sa naitalang kaso na 20 sa kaparehong panahon noong salubong ng 2021.
Sa nasabing bilang karamihan sa mga biktima ng mga papatuok na Boga, kwitis, five star , luces, mother rocket at dynamite.
Mayorya sa 18 biktima ay bata kung saan pinaka-bata ay anim na taong gulang at ang pinakamatandang biktima ay 46 taong gulang.
Pinakamaraming naitalang biktima naman ay mula sa mga bayan ng Manaoag na mayroong apat(4) na kaso, sumunod San Carlos City na nakapagtala ng tatlong kaso(3), Dagupan Cityat Mangatarem, Urdaneta City na tig dalawang kaso {2) , tig-isang(1) kaso sa Sual, Bugallon, Lingayen, Bayambang at Asingan.
Sa kabila ng firecracker-related injuries, wala pang naitatalang nasawi dahil sa paputok ngayon taon.| ifmnews
Facebook Comments