Umakyat na sa 7 ang bilang ng fireworks-related injuries na naitala ng Department of Health (DOH), kasabay ng nalalapit na pagpasok ng 2019.
Base sa pinakahuling datos mula sa DOH, isaang nadagdag mula sa NCR at isa pa mula sa ARMM.
Ang mga pasyenteng ito ay nasa edad 2 hanggang 13 taong gulang.
Sa kabuuang pitong kaso na ito, 3 ang nananatiling naka-admit sa ospital habang ang iba naman ay pinauwi na.
Ayon sa DOH, ang mga kaso na ito, mas mababa pa rin ng 46% kumpara sa 15 kaso ng fireworks-related injury na naitala noong 2017 sa kaparehong panahon.
Nagsimulang magbantay ang DOH sa mga kaso ng mabiktima ng paputok simula December 21 at magtutuloy-tuloy hanggang January 5, 2019.
Facebook Comments