Personal na sinalubong ni Philippine Ambassador Israel Macairog Alberto ang unang batch ng Filipino hotel workers na dumating sa Holy Land.
Ito ay binubuo ng 61 na mga Pinoy na bahagi ng paunang 500 Pinoy hotel workers na ide-deploy sa Tel Aviv, Jerusalem, Nazareth, Caesarea, at Tiberias, gayundin sa resorts at spa malapit sa Dead Sea.
Unang lumagda si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Pamahalaan ng Israel noong 2018 hinggil sa pagkuha ng Pinoy hotel workers.
Hinimok naman ni Ambassador Alberto ang naturang mga Pinoy na pagbutihin ang kanilang trabaho.
Sa ngayon, malaking bilang din ng mga Pinoy ang nagtatrabaho bilang caregiver sa Israel.
Facebook Comments