Senator-elect Padilla, hindi dapat husgahan agad bilang susunod na chairman ng Committee on Constitutional Amendments

178

Para kay Senator Sherwin “Win” Gatchalian, hindi dapat husgahan si Senator-elect Robin Padilla bilang susunod na chairman of Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Ayon kay Gatchalian, talagang kumplikado ang nasabong komite kung saan maraming dalubhasa ang kailangang kausapin kaya kailangan ng mabuting pag-aaral ng mamumuno dito.

Pero diin ni Gatchalian, nakikita niyang talagang pursigido si Padilla na kumuha pa ng mga eksperto.


Binanggit ni Gatchalian na nakita base sa Facebook Meta post ni Padilla ay kumuha pa nito si Secretary Salvador Panelo bilang kanyang chief legal adviser.

Dahil dito ay tiwala si Gatchalian na determinado si Padilla na matuto at magagaling ang kukunin nitong abogado para bigyan sya ng kaalaman.

Magugunitang sa panayam matapos ma-proklamang nilang nangungunang nanalong senador ay sinabi ni Padilla na nais niyang pamunuan ang Committee on Constitutional Amendments para maisakatuparan ang isinusulong niyang pagbabago sa porma ng ating gobyerno patungo sa pederalismo.



Facebook Comments