First-Ever University Journalympics, Tampok sa 44th Founding Anniversary ng Isabela State University

Cauayan City, Isabela- Nagpamalas ng talento sa pagsusulat ang ilang ISUdyante mula sa iba’t ibang campus ng Isabela State University bilang bahagi ng pagdiriwang ng 44th Founding Anniversary ng unibersidad na ginawa sa ISU Cauayan City Campus.

Ito ang First-Ever Journalympics na inorganisa ng unibersidad kasama ang mga Guro at mag-aaral.

Kaugnay nito, ang tatanghalin na mananalo ay siyang kakatawan ng tinawag na Solid North kung saan gagawin ang next level competition sa Ilocos Region.

Sa kanyang naging talumpati, inihayag ni ISU System President Dr. Ricmar Aquino, labis ang kanyang pasasalamat sa mga Guro at Mag-aaral sa walang sawang pagsuporta sa mga aktibidad na tulad nito.

Maliban sa ibang paligsahan, tampok rin ang iba’t ibang naggagandahang booth ng bawat campus na bida ang ilang ipinagmamalaking produkto.

Ayon pa kay Aquino, pangarap niya na mas paigtingin pa ang kanilang pagtuturo para sila’y makilala sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa para makapanghikayat ng ibang lahi na gustong mag-aral.

Tiniyak ni Aquino na magtutulong-tulong sila upang mapanatiling maayos ang mga pasilidad at mas magkaroon ng dekalidad na edukasyong maipagmamalaki.

Facebook Comments