HIGIT 2.4M KABUUANG BILANG NG MGA MANANAKAY SA BUONG REGION 1, NASERBISYUHAN NG LIBRENG SAKAY

23
Nakapagtala na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 ng kabuuang bilang na 2,486,608 na mga Healthcare Workers (HCW) at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) mula Abril 13 – Hunyo 6, 2022 sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3.
Ang kabuuang bilang ng mga mananakay na yan ay naitala mula sa tatlumpo’t dalawang ruta na nagbukas para sa Service Contracting Program o SCP 3. May dalawang klase ng SCP 3; ang GROSS (Libreng Sakay para sa lahat) at ang NET (HCW lang ang Libre).
Sa kasalukuyan, mayroon ng 496 bilang ng mga PUJ na bumibiyahe at patuloy na nagbibigay serbisyo sa buong Region 1.

Ang programa ay layong matulungan ang mga drivers at operators dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. | ifmnews
Facebook Comments