Germany – Muling tumabla si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna sa 5th round ng 2nd International Erfut Women’s Chess Festival 2017 sa Germany.
Nagkasundo sa draw si Frayna, ang kauna-unahang babaeng grandmaster ng bansa, at 6th seed WGM Berzina Ilze ng Latvia.
Dahil sa tabla, nasa ika-anim hanggang ika-12 puwesto ang pambato ng Far Eastern University sa overall standings sa kanyang 3.5 points sa limang rounds.
Wala pang talo si Frayna sa nine-round tournament na sinalihan ng 58 player mula sa 14 na bansa.
Lumalaban sa Europa ngayon si Frayna para matupad ang pangarap nitong maabot ang grandmaster ranking ng mga kalalakihan.
Facebook Comments