FISH VENDORS PUMALAG, HOLDAPER, ARESTADO SA ALICIA, ISABELA!

*Cauayan City* – Patung-patong na kaso ang isinampa laban sa mga holdaper sa Alicia, Isabela.

Nakilala ang isa sa suspek na si Rodrigo Manuel, 41-anyos na residente ng Barangay Salvacion sa naturang bayan.

Hindi nagtagumpay ang mga suspek sa isasagawa sanang pangho-holdap sa mga fish vendor dahil pumapalag at nakatawag sa kapulisan ang isa sa mga bibiktimahin sana.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Ardee Tion, hepe ng Alicia Police Station, tumawag ang isa sa tilapia vendor na hinaharang sila ng dalawang nakasuot ng bonet at may hawak na baril.

Agad naman tumugon ang kapulisan sa naturang lugar at dito naabutan ang mga suspek sa Brgy. Salvacion Alicia Isabela.

Nakilala ang mga vendors na naharang na sina Rolando Nonan, residente ng Brgy. Victoria, Alicia, Cesar Agsalda, residente ng Brgy. Dagupan, Mario Cayanan ng Brgy. Santa Cruz, pawang sa bayan ng Alicia, Isabela at Benjamin Guillermo residente ng Brgy. Centro 1, Angadanan, Isabela at, Alicia, Isabela.

Sinampahan na ang nahuling suspek ng kasong Attempted Robbery; paglabag sa RA 10591 at section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 samantala, patuloy naman na pinaghahanap ang kanyang kasama na agad na tumakas nang mamataan nito ang parating na kapulisan.

Batay pa sa PNP Cauayan,Matagal na nilang minomonitor si Manuel dahil lagi umano itong nawawala sa kanilang lugar at may ibang taong kasama sa tuwing umaalis.

Narekober sa pag-iingat ni Manuel ang isang sling bag na isinuksok pa nito sa damuhan at may laman na isang plastic sachet na pinaniniwalaang shabu; Cal. 38 na baril at may limang bala.

Sa ngayon ay inaalam ng pulisya kung sila rin ang responsable sa panghoholdap sa ilan pang mga negosyante sa bayan ng Alicia at karatig bayan.

Facebook Comments