FISHING BAN | Panghuhuli ng tamban, pansamantalang ipinagbawal

Pansamantang ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panghuhuli ng tamban o yung isdang ginagawang sardinas sa Zamboanga Peninsula at sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ayon sa BFAR Region 9, iiral ito ng tatlong buwan o hanggang sa Marso ng 2019 kung saan layon nitong mapalaki at makapagparami ang tamban sa nasabing mga lugar.

Panahon rin anila ito para linisin at ayusin ang kagamitan sa produksyon ng sardinas.


Tiniyak naman ng BFAR na magbibigay ng livelihood program ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga factory workers na apektado ng fishing ban.

Sa ngayon ay nagpadala na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga asset para magbantay sa mga karagatan sa Zamboanga Peninsula at sa ARMM.

Facebook Comments