FLASHFLOOD] Tulay sa Buldon , pinangangambahang bumagsak!

Nanawagan ngayon ang mga residente ng Barangay Dinganen at Edcor sa bayan ng Buldon, Maguindanao sa ahensya ng Department of Public Works and Highways na sanay bigyan ng agarang aksyon ang namimilegrong Salam Bridge .

Kasalukuyang isinara na muna sa mga heavy vehicles ang tulay at tanging one lane lamang ang pansamatalang ginagamit ng mga motorista matapos sirain ng napakalakas na tubig baha noong weekend ang approach ng tulay.

Nangangamba rin ngayon ang mga residente sa posibilidad na maaring bumagsak ang tulay sakaling magtuloy-tuloy pa ang masamang panahon giit pa ni ABC President at kasalukuyang Brgy. Dinganen Chairman Rufo Capada.


Maliban sa Salam Bridge, pahirapan rin ang sitwasyon ng mga overflow bridge sa tuwing malakas ang tubig baha sa Dinganen dagdag ni ABC President Capada. Samantala , ilang hanging bridge rin ang nawasak ng tubig baha sa ilan pang barangay ng bayan.
Agad namang nagbigay ng direktiba si Buldon Mayor Abolais Manalao sa mga opisyales ng barangay ng tutukan ang kani kanilang mga lugar kasabay ng masamang panahong nararanasan.

Facebook Comments