Flexi-time at compressed work week, magbebenepisyo sa mga nagtatrabahong PWDs, retirees at mga buntis – TUCP

Ikinatuwa ng labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagkakapasa sa Senado ng panukalang flexible working time at compressed work week.

Ayin kay TUCP President Raymond Mendoza, sa pamamagitan nito ay mas madadagdagan ang option sa employment opportunity ng mga marginalized workers katulad ng mga persons with disability, senior citizens at mga  pregnant working mothers nang hindi nangangamba na makaltasan ng sahod o kaya ay mga benepisyo.

Makikinabang na rin sa nasabing batas ang mga mag-asawa na parehong nagtatrabaho sa parehong kumpanya  pero kailangang mag alaga ng kanilang anak sa bahay sa pamamagitan ng pagpasok sa magkaibang  different flexible time arrangement.


Nilinaw naman ng grupo na ang batas ay hindi absolute.

Ang mga empleyado na nakakaramdam ng sobrang pagod o overwork sa ilalim ng flexi-time at compressed work week scheme, may option silang hindi mag-avail ng scheme.

Hindi rin ito pwedeng ipilit o walang kapangyarihan ang mga employer na mag-impose dahil ang batas ay voluntary.

Kung hindi aniya magkakasundo ang employees at employers sa flexi-time at compressed work week arrangement, hindi ito maipapatupad.

Facebook Comments