Flights patungong Batanes, kanselado

Manila, Philippines – Kanselado ngayon ang apat na flights patungo ng Basco,Batanes at pabalik ng Maynila dahil sa masamang panahon.

Ang mga kanseladong flights ay ang M8 816 at M8 817 ng Skyjet o Manila-Basco-Manila.

Kinansela rin ng PAL Express ang flights nito patungong Basco,Batanes at pabalik ng Maynila o ang 2P 2084 at 2P 2085


Ang mga apektadong pasahero ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa airlines.

Facebook Comments