Wednesday, November 18, 2026

FLOOD DRILL, ISINAGAWA SA BARANGAY CABATUAN SA ALAMINOS CITY

Pinaigting ang kahandaan ng mga opisyal at iba pang grupo sa pagtugon sa posibleng pagbaha sa isinagawang flood drill sa Barangay Cabatuan, Alaminos City, Pangasinan.

Kabilang sa mga isinailalim sa pagsasanay ang Sangguniang Barangay, mga lokal na organisasyon at mga miyembro ng City Response Cluster.

Binibigyang-pansin ang mabilis na pagpapalitan ng impormasyon, pagtukoy sa mga residenteng maaaring mangailangan ng tulong, maayos na paglikas at pagtatalaga ng mga tungkulin sa mga responder.

Tinukoy rin ang mga posibleng problema sa komunikasyon at pagtugon upang maagapan ang mga ito bago magkaroon ng aktuwal na emergency.

Ayon sa Alaminos CDRRM, ang pagsasanay ay para paghandaan ang posibleng pagtaas ng tubig at tamang paglikas ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments