
Nakatanggap ng cash gift ang 41 senior citizens na edad 80 hanggang 99-anyos sa Dagupan City, Pangasinan sa ilalim ng Expanded Centenarian Act Program.
Pinangunahan ang aktibidad ng National Commission of Senior Citizens–Regional Office 1 (NCSC-RO1), sa pamamagitan nina PDO II Ana Mae Espiritu at PDO I Fatima San Pedro.
Saklaw ng programa ang mga kwalipikadong octogenarian o nasa edad 80 hanggang 89-anyos at nonagenarian o nasa edad 90 hanggang 99-anyos bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay.
Isinagawa ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Dagupan City.
Ang Expanded Centenarian Act ay kinikilala ang mga nakatatandang Pilipino sa pamamagitan ng cash incentives batay sa kanilang edad at kwalipikasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










