Manila, Philippines – Hindi parin nakakalabas ng kulungan ang tinaguriang “floodway 41”
Ayon kay Pasig Police Chief Police Sr. Supt. Orlando Yebra, nasa Pasig City Police headquarters pa rin ang mga residente ng East Bank Rd. at mga miyembro ng Kadamay na nagbarikada at nauwi sa marahas na demolisyon.
Kahapon pasado ala-una na nang maisalang sa inquest ang floodway 41.
Ang mga ito ay sinampahan ng patong-patong na kaso kabilang na ang direct assault, physical injuries, damage to properties, illegal assembly, resistance & disobedience to an agent of a person in authority.
Nabisita na rin ang mga ito ng kanilang abogado mula sa National Union of People’s Lawyer o NUPL.
Posibleng sa Lunes ay makapaghain na ang mga ito ng piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.