FLORIDA MASS SHOOTING | Suspek, kinasuhan na

Florida – Kinasuhan na ang 19-anyos na lalaking suspek sa nangyaring mass shooting sa loob ng isang eskwelahan sa Florida, USA.

Nabatid na 17 ang patay na pawang mga estudyante at empleyado ng Marjory Stoneman Douglas High School matapos mag-open fire ang suspek na si Nikolas Cruz.

Sa pagharap nito sa korte, sinampahan siya ng 17 counts ng premeditated murder.


Pinatawan din siya ng korte na walang piyansa sa mga kinahaharap na kaso.

Facebook Comments