Monday, February 2, 2026

Focus crimes ngayong buwan ng Enero, bumaba ng 24.32% —PNP

Sa tala ng Philippine National Police (PNP) bumaba ng 24.32% ang focus crimes sa buwan ng Enero ngayon taon.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mula sa 3,236 na mga krimen na naitala noong Enero 2025, nasa 2,449 na krimen ang naitala naman ngayong Enero 2026.

Kasama sa mga.focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, at carnapping ng motor vehicles at motorcyles.

Bukod rito ay ipinagmalaki rin ng PNP ang pagkakaaresto ng 7,159 na mga wanted person sa bansa.

Ayon kay Nartatez, naging posible ang pagbaba ng krimen at dami ng naaresto ay dahil na rin sa inilunsad na focus agenda at sa aktibong partisipasyon ng komunidad.

Facebook Comments