FOI bill, muling inihain ni Sen. Poe

Manila, Philippines – Muling inihian ni Senator Grace Poe ang Freedom of Information o FOI bill na naglalayong obligahin ang transparency sa lahat ng kontrata, kasunduan, gastusin at transaksyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno.

Sa panukala ni Poe ay pinapasapubliko rin ang lahat ng utang, compromise agreement at mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa.

Pinalantad din ng panukala pati ang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng pangulo, ikalawang pangulo, mga mambabatas, mahistrado ng Korte Suprema at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.


Magiging exempted lamang sa pagsasapubliko ang impormasyon na may kinalaman sa national defense at national security, kapag maaring makaapekto sa diplomatikong ugnayan natin sa ibang bansa at kapag may nakatayang trade at commercial secrets o kaya mga personal at sensitibong impormasyon sa tao.

Hindi rin oobligahing ipaalam sa publiko ang mga nangyari sa executive sessions ng Kongreso.

Facebook Comments