MANILA – Pinag-aaralan isulong ni Senatorial Re-Electionist Kiko Pangilinan ang batas na magbabawal sa pagtatapon ng mga hindi nabentang pagkain sa mga pamilihan.Ito’y para solusyonan ang problema sa kagutuman ng milyun-milyong pamilyang pilipino.Ayon kay Pangilinan – ang “food bank act” ay makakatulong sa mga kababayan nating napipilitang kumain ng “pagpag” o mga pagkaing tinapon na pero pinupulot at niluluto muli.Aniya – hindi tama na napakaraming pamilya ang nagugutom samantalang ang daming nasasayang na mga pagkain.Ang panukalang batas na food bank ay kahalintulad sa bansang France kung saan ipagbabawal ang pagtatapon ng maayos at kalidad na pagkain – at sa halip ay ido-donate ang mga ito sa mga charities na nagpapakain sa mga nagugutom.Tumatakbo sa ikatlong termino nya sa Senado si Pangilinan sa ilalim ng Liberal Party.
Food Bank, Sagot Sa Kagutuman
Facebook Comments