Food for the heart: Healthy foods para sa iyong puso

Ang problema sa puso ay ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng nakararami. Dahil sa hindi pagkain ng tama nagiging resulta ito sa mga ilang komplikasyon gaya ng high blood, stroke, heart attack at marami pang iba. Narito ang ilan sa mga pagkaing nakakatulong upang maprotektahan at maiwasan ang sakit sa puso.

Ang “Oatmeal” ay natataglay ng low saturated fat na nakaiiwas sa cholesterol na maaaring magdulot ng heart disease. Ito’y magandang almusal sabayan pa ng prutas na “Oranges”. Ang oranges ay epektibong nakakapagpalakas ng immune system at nakakatulong sa pag-iwas sa sakit sa puso.

Isa pang nakakatulong na prutas ang Avocado” sa pagpapanatili ng maayos na sirkulasyon o daloy ng dugo sa puso. Isa rin sa mga nakakatulong na pagkain para sa healthy na puso ay ang pagkain ng isda. Ito ay naglalaman ng omega 3 fatty acids na nakakatulong makababa ng kolesterol.


Panghuli ay ang mga “mani”. Ito ay karaniwang nagtataglay ng phytonutrient na tumutulong sa kalusugan at nakakatulong sa pag-iwas sa sakit lalo na sa puso.

Ayan ay ilan lamang sa mga pagkaing nakakatulong sa pagpapanatiling healthy ng ating mga puso samahan pa ng tamang ehersiyo at balanced diet.

Facebook Comments