FOOD REDEMPTION DAY, ISINAGAWA SA BAYAN NG CABAGAN AT TUMAUINI

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng Food Redemption Day ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan sa bayan ng Cabagan at Tumauini, sa lalawigan ng Isabela.

Sa nasabing aktibidad ay naipaabot ang tulong sa ilalim ng Walang Gutom Program (WGP) sa 136 na katao mula sa Cabagan at 112 indibidwal sa Tumauini.

May layunin ang programa na malabanan ang kagutuman at masiguro na sapat ang nutrisyon para sa mga pamilya o indibidwal na nangangailangan nito.


Gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) Card na naglalaman ng P3,000 ay maaaring makakuha ang mga benepisyaryo ng Go Food na nagkakahalaga ng P1,500; Grow Food na P900; at P600 na halaga ng Glow Food mula sa mga partners store katulad ng Cabagan Green Integrated Farm Tourism Society Agriculture Cooperative at Santa Catalina Sustainable Livelihood Agriculture Cooperative.

Bukod dito ay mayroon ding Nutrition Education Session kung saan ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa tamang paghahanda ng mga pagkain upang mapanatili` ang nutrisyon nito.

Facebook Comments