FOOD SECURITY SA SAN NICOLAS, ISINUSULONG

Patuloy na itinataguyod ng mga magsasaka sa San Nicolas na maisakatuparan ang diretsong pag-aani ng bigas sa kanilang lupang sakahan.

Nasa 3,186 rice farmers ang napamahagian ng iba’t-ibang klase ng binhi ng hybrid rice na inaasahang maging kaisa sa layuning matiyak ang food security sa bayan.

Kinatigan naman ng mga benepisyaryong magsasaka ang pamamahagi dahil makakatulong sa pinansyal na puhunan ang mga naturang binhi.

Kabilang ang San Nicolas sa mga rice-producer towns sa Pangasinan at patuloy na pinapa-angat sa pamamahagi ng inbred at hybrid seeds ng bigas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments