Nagdeklara ng ikatlong alarma ang Marikina City Government matapos umabot sa 21.5 meters ang lebel ng tubig ng Marikina River.
Ayon sa Public Information Office ng Lungsod, binuksan na ang lahat ng flood gates.
Sa ilalim ng Alarm level 3, kailangan nang magpatupad ng force evacuation sa mga residente malapit sa ilog.
Alas-10:35 ng Miyerkules ng gabi, nang umabot sa 15 meters ang lebel ng tubig sa ilog na hudyat ng pagdedeklara ng unang alarma.
Pasado 1:00 ng madaling araw nang ideklara ang second alarm kung saan nagkaroon ng preemptive evacuation.
Facebook Comments