Forced power outage, nanatili sa ilang lugar sa Batangas dahil sa aktibidad ng Bulkang Taal, ayon sa NEA

Nanatili ang ipinatutupad na forced power shutdown sa ilang bayan sa probinsya ng Batangas dahil sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ng National Electrification Administration na nag-abiso ang Batangas I Electric Cooperative, Inc..

Nanatili pa rin ang assessment sa may San Nicolas at Agoncillo na may 12, 850 household ang wala pa rin suplay ng kuryente.


As of 8:00PM kagabi, umabot na sa 5700 na bahay sa Sta. Teresita at ilang bahagi ng San Luis na sinusuplayan ng BATELEC 1 ang naibalik na ang suplay ng kuryente matapos na mag-trip ang circuit feeder dulot ng ashfall.

Nakapagpatupad naman ang BATELEC II ng partial restoration sa Tanauan City.

Normal naman ang power situation sa mga bayan ng Alitagtag, Balete, Cuenca, Lipa, Lobo, Mabini, Malvar, Mataas na Kahoy, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, Taysan, at Tingloy.

Facebook Comments