Foreign suicide bomber, namataan sa kuta ng ASG sa Sulu – DILG

Kinakanlon ngayon ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang suicide bomber na foreigner sa kanilang kampo sa lalawigan ng Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año makaraang mamataan na kasama ng grupo ni Abu Sayyaf leader Hatib Hajan Sawadjaan ang nasabing Arab-looking bomber.

Bukod sa nasabing Arab ay may na-monitor rin ang DILG na ilang Moroccan at Indonesian nationals ang ngayon ay nasa kuta ng Abu Sayyaf bilang mga trainer.


Nabatid na si Sawadjaan ang sinasabing “emir” o pinakamataas sa mga kinikilalang lider ng ISIS group sa bansa.

Ang nasabing grupo rin ang nasa likod ng naganap na pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu at tangkang pagpapasabog sa isang lugar sa lalawigan ng Basilan ayon pa sa kalihim.

Tiniyak naman ni Año na tuloy ang pagmo-monitor ng pamahalaan sa galaw ng teroristang grupo.

Facebook Comments