Sinita ng Commission on Audit o COA ang mahigit sa pitong milyong pisong ginastos ng Office of the Solicitor General (OSG) noong 2018 para sa mga biyahe sa labas ng bansa.
Batay sa audit report, walang kaukulang dokumento ang foreign trips ng OSG tulad ng quotation report at travel agencies.
Hindi naman kasama sa inilabas na report ng COA kung sinu-sinong kawani ng OSG ang kasama sa mga kwestunableng foreign trips.
Dahil dito, hinakayat ng COA ang OSG na magsimute ng mga supporting documents.
Maliban rito, pinura rin ng COA ang biniling office supply ng OSG na may anim na milyong pisong allotted budget.
Sa data base kasi ng ahensya, mahigit P547,000 lang ang kanilang ginastos.
Pinayuhan ng COA ang OSG ipaskil sa kanilang website ang mga kontrata para makita ng publiko.