Foreign trip ni Pangulong Duterte, muli nanamang pinagtanggol ng Pamahalaan

Manila, Philippines – Todo ngayon ang pagtatanggol ng Pamahalaan sa mga biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na taon.

Base kasi sa tala ay mahigit 20 biyahe ang Pangulo sa ibang bansa at gumastos ang pamahalaan ng mahigit 300 milyong piso na siya namang dinipensahan ng Malacañang at ilang kaalyado ng administrasyon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kahit maraming gastos ay marami din naman ang benepisyo na nakuha ng maraming biyahe ni Pangulong Duterte.


Isa aniya sa pinakamalaking achievement ng mga biyahe ng Pangulo ay ang goodwill na nakuha nito mula sa mga bansang kanyang napuntahan lalo na sa mga pinuno sa Southeast Asia.

Bilang ASEAN Chairman ngayong taon aniya ay obligasyon ni Pangulong Duterte na bisitahin ang ASEAN member countries para mapaganda pa ang relasyon ng mga ito sa Pilipinas.

Maging Chinese President Xi Jinping aniya ay mayroon nang commitment kay Pangulong Duterte at ito ay dahil sa biyahe ng Pangulo sa China.

Dahil aniya sa pagbisita ng Pangulo sa Japan, Russia, at mga Middle Eastern countries ay maraming kasunduan ang nabuo sa pagitan ng mga ito sa Pilipinas.

Batay sa PCOO, umabot na sa dalawampu’t isa ang foreign trips ni Pangulong Duterte at sinasabi na pinakamalaking gastos sa foreign trips sa unang taon ng panunungkulan bilang Pangulo ng bansa.

Facebook Comments