Format ng presidential debate, binago ng COMELEC

Binago ng Commission on Elections (COMELEC) ang format ng presidential debate na gaganapin sa Linggo, Abril 3.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, magkakaroon ng isang general question na sasagutin ng lahat ng kandidato sa unang segment pagkatapos ay hahatiin ang mga kandidato sa tig-3 kada grupo at magde-debate sila hinggil sa tanong sa naturang segment.

Malalaman ang grupo ng mga kandidato sa bunutan 2 oras bago ang debate.


Bibigyan ang bawat kandidato ng 120 segundo para sumagot at 30 segundo para sa rebuttal habang 60 segundo naman para sa kanilang closing statement.

Ito na ang ikalawang debate sa 3 presidential debate na inorganisa ng COMELEC para sa Eleksyon 2022.

Facebook Comments