Former US ARMY patay sa Hold Up sa Pikit

Dead on arrival sa pagamutan ang isang US Army matapos manlaban sa mga hold upper sa bayan ng Pikit North Cotabato.

Kinilala ni Pikit PNP Chief of Police CIns Romy Castanares ang biktima na si Michael Jeff Kieth, 60 anyos , ngayoy negosyante at residente ng Cagayan De Oro City.

Sinasabing nakaparada lamang si Kieth sakay ng kanyang Delivery Van kasama ng kanyang 2 menor de edad na mga anak sa Poblacion Pikit ng lapitan ng 2 suspek na sakay ng motor na nagdeklara ng hold up. Nanlaban umano ang biktima kung kayat agad na pinagbabaril ng mga suspeks.


Matapos matangay ang higit 200 thousand cash at maisigurong di na mabubuhay ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspeks.

Ito na ang ikalawang insidente ng panghohold up at pagkakamatay ng mga banyagang negosyante sa Pikit. Matatandaang noong nakaraang linggo hinold up at pinatay din ang isang Pakistani Trader sa Brgy Dalingaoen Pikit Cotabato.

Photo Courtesy : GNG

Facebook Comments