Former VP Binay at 2 dating senador, dumalo sa pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power sa Makati

Nag-alay ng bulaklak sina dating Vice President Jejomar Binay, Senador René Sagisag, Senador Serge Osmenia at ilang miyembro ng August Twenty One Movement (ATOM) alinsunod sa ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution kaninang umaga na ginanap sa monumento ni Ninoy Aquino sa Ayala Avenue kanto ng Paseo de Roxas, Makati City.

Sabay-sabay itong umawit ng ng kantang “Bayan Ko” kung saan isa ito sa mga sikat na kanta noong 1986 EDSA Revolution.

May mga nakatali ring mga Yellow Ribbon sa paligid ng monumento Ninoy Aquino, kung sa isa rin ito sa mga popular na simbolo sa EDSA People Power.


Ayon kay dating Vice President Binay, na isa aniya sa hindi niya malilimutan ang pakikilahok niya sa kilos protesta noong 1986 at muntik pa raw siya noon mahuli ng mga pulis habang nagmamartsa noon.

Nasa sampung pulis ay apatnapung mga Traffic Constable ng Makati ang nakadeploy upang matiyak ang seguridad ng lugar.

Naniniwala naman si Binay na hindi pa patay ang totoong diwa ng demokrasya sa bansa.

Samanatala, iisa naman ang nais iparating nina dating Senator Sagisag at Osmena sa mga kabaatan na huwag kalimutan ang mga aral mula sa 1986 People Power Revolution.

Sinara rin ang kahabaan ng Paseo De Roxas, Makati City.

Tumagal ng dalawang oras ang ginawang nasabing aktibidad.

Facebook Comments