Forum para sa pagbuo ng Metropolitan Cagayan de Oro, isasagawa ng NEDA Region10

Isasagawa ng National Economic Development Authority o NEDA Region 10 ang isang forum o diyalogo hinggil sa pagbuo ng Metropolitan Cagayan de Oro.

Ito’y gagawin sa ikatlong linggo ng Oktubre ngayong taon sabay sa pagdiriwang ng Statistics Month.

Magiging parte ng Metro Cagayan de Oro ang mga syudad ng Cagayan de Oro, El Salvador, munisipyo ng Manolo Fortich, Bukidnon at mga munisipyo ng Tagoloan, Villanueva, Claveria, Jasaan, Opol, Alubijid, Laguindingan, Gitagum, Libertad at Initao ng Misamis Oriental.


Kabilang naman sa magiging papel ng Metro Cagayan de Oro ay ang pagiging sentro ng trading at industrial services ng Mindanao, major gateway at transhipment hub ng Mindanao, magbibigay ng linkages sa pagitan ng ibang mga metropolitan, regional at sub-regional centers, ganun din ang international market dahil sa Mindanao Container Terminal na nasa PHIVIDEC Industrial Estate, mananatiling prime educational center ng Northern Mindanao, host sa mga malalaking commercial malls at service establishments at host sa isang dealership ng luxury cars ng bansa o sa Mindanao.
By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments