Founder ng Kapa ministry, umapela kay PRRD na ‘wag ipaaresto

1726

Muling umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte si Kapa- Community Ministry International, Inc. founder Pastor Joel Apolinario na huwag silang ipasara.

Ayon kay Apolinario, mahigit isang libong empleyado nila ang nanganganib na mawalan ng trabaho sakaling ipatigil ang kanilang operasyon.


Pinayuhan rin ni Apolinario ang kanilang mga miyembro na huwag pipirma sa anumang dokumento na ilalatag sa kanila ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pinag-aaralan na rin ni Apolinario na mangalap ng testimonya sa kanilang mga miyembro kaugnay sa magandang epekto ng Kapa ministry sa kanilang buhay.

Facebook Comments

From Advertisers