Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy pa ring makakaapekto ang southwest monsoon o hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Dahil dito, asahan na ang may kalakasang pag-ulan sa Ilocos Region at Zambales kung saan maaari itong magdulot ng flashflood.

Magkakaroon rin ng mga pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Mimaropa at natitirang bahagi ng Central Luzon.


Habang magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero posible pa rin ang mga localized thunderstorms.

Facebook Comments