Inako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kasalanan at responsibilidad sa nangyaring mga patayan sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Naglabas ng hinaing si Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan sinabi niyang hindi naging madali ang kanyang trabaho bilang pangulo ng bansa.
Sinabi ng dating presidente na sinikap niyang tugunan ang problema sa iligal na droga at sa gitna ng tagumpay at pagkukulang ng war on drugs ay inaako niya ng buong-buo ang responsibilidad sa mga nangyari.
Giit ni Duterte, sa lahat ng mga nagawa ng mga pulis dahil lamang sa pagsunod sa kanyang utos ay siya ang dapat na managot at makulong; at hindi ang mga awtoridad na sumunod lamang sa utos at nagtatrabaho lamang.
Facebook Comments