Pinahayag ni Senator Francis Tolentino na gusto niyang ipasa ang bill na “Good Samaritan at Sea Law” kung saan naglalayon na maprotektahan ang mga mangingisda sa dagat.
Ayon kay Tolentino, nabuo ang Senate Bill 209 dahil sa nangyaring insidente sa Recto Bank nitong nakaraan lamang. Tinatiyak ng bill na ito na kung sakaling mangyari ulit na ganitong insidente, ay maging responsable at managot kung napatunayang may nagawang paglabag sa batas.
Dagdag pa ni Tolentino, tungkulin na magbigay ng tulong sa mga Pilipinong nasa sitwasyon tulad ng nangyari sa 22 na mangingisda sa West Philippine Sea. Nakasaad ito sa International Convention for the Safety of Life at Sea, 1974 and its Protocols of 1978 and 1988 and Agreement of 1996.
Ang penalty ay hindi bababa ng P5 milyon na pwedeng umabot ng P10 milyon. Ngunit kung ang violator ang naging dahilan ng insidente at parte ng bangka, pwedeng umabot ito sa P20 milyon.
Paliwanag naman ni Tolentino, kailangan mag-implement ng mga ganitong batas para sa kaligtasan ng mga Pilipino lalo na sa industriya na nauukol sa dagat.