Free antigen test sa mga pasahero patungong Hong Kong, pinalawig ng Cebu Pacific

Pinalawig ng Cebu Pacific hanggang October 15 ang kanilang free test before boarding program para sa mga pasahero patungong Hong Kong upang matiyak na ligtas ang bawat manlalakbay sa kanilang paglipad.

Pinayuhan ang mga pasahero na dumiretso sa Philippine Airport Diagnostic Laboratory (PADLAB) na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 malapit sa gate 6 na dapat ay apat na oras bago ang kanilang flight schedule.

Ang free antigen test sa mga pasahero patungong Hong Kong ay bukas mula alas-1:30 hanggang alas-3:30 ng madaling araw, anim na beses sa loob ng isang linggo.


Ayon sa Cebu Pacific ang antigen test results ay mailabas sa loob ng 30 minuto kung saan ang pasaherong nag-negative result lamang ang pinahintulutang makapasok sa check-in area.

Ang mga pasaherong hindi makatanggap ng antigen test o makatanggap ng positibong resulta sa test ay hindi papasukin para sa pag-check-in at maaari silang makapamili ng booking sa pamamagitan ng manage booking portal ng Cebu Pacific website hanggang 30 araw mula sa petsa ng kanilang departure.

Facebook Comments