Free Parks in the Metro para Makapag-unwind

IMAGE: LONELY PLANET
Idol, naghahanap ka ba ng lugar na pwede ninyong galaan ng iyong bebeloves? Narito ang ilang free parks na pamasahe lang ang puhunan pero tiyak ang enjoyment at quality time ninyong mag jowa. Hindi lang ito pang magjowa dahil family friendly din ang mga parkeng ito na tiyak na magugustuhan ng inyong mga chikiting. Pwede nyo ring isama ang inyong pets para mas happy, at malay mo, baka dito mo na ma-meet ang inaantay mong love life.

Quezon City Circle Park

Unang una sa ating listahan mga Idol ay ang children’s park ng Quezon City Circle (QMC). Nagsisilbing libingan rin ito at museo para sa yumaong presidente na si Manuel L. Quezon. Makikita rin dito ang iba’t-ibang recreational activities tulad ng  wall climbing at pedal boat rides. Mayroon din ditong amusement park na tiyak na maeenjoy ng inyopng kadate o buong pamilya. Maaari ring ikutin ang buong parke gamit ang for rent na mga bisekleta.  Kung nais mo naman na ma-feel ang nature, tamang tama ang parkeng dahil sa dami ng mga magagandang halaman sa paligid. Kung biitin ka pa sa serenity, ilang lakad lang ay matatagpuan mo na ang Ninoy Aquino Wildlife Parks.

 

Rizal Park
Idol!, syempre hindi mawawala sa ating listahan ang orihinal na parkeng puntahan ng mga Pilipino. Ang Rizal Park o Luneta ay paboritong puntahan ng mga magkakaibigan, mag jowa o pamilya. Masaya at madaming pwedeng gawin sa Rizal Park, bukod sa makikita mo rito ang sikat na bantayog ni Jose Rizal ay pwede kang manood ng dancing fountain, mga live shows at events sa open-air auditorium, magliwaliw sa Chinese garden, orchid garden, magbigay pugay sa linya ng bust ng mga bayani, makita ang higanting 3D map ng Pilipinas, maglaro ng chess at madami pang iba. Malapit din dito ang National Museum of Fine Arts, Anthropology at ang bagong bukas na Natural history na libre ang mga entrance fee.
Manila Bay Walk
Kung nais mo naman ang very romantic set-up ng date ay perfect ang Baywak na malapit lang sa Luneta. Tamang-tama ang maganda at famous nitong sunset para sa inyong date. Magandan rin ang view ng manila night skyline makikita mo rito sa gabi.
Intramuros
Ang huli sa ating listahan ay ang Walled City ng Manila, ang Intramuros. Kung nais mong balikan ang history, ay perfect naman ang old spanish city na ito habang kasama ang iyong bebeloves. Maraming pwedeng gawin at puntahan dito gaya ng San Sebastian Church, Manila Cathedral, Bahay Tsinoy, Casa Manila at NCCA Gallery.


Article written by Kristian Cartilla

Facebook Comments