FRESHMEN STUDENTS NG ISU ECHAGUE, LUMAHOK SA PEACE CONSCIOUSNESS MONTH

Bilang pagdiriwang sa ” Peace consciousness month, nakilahok at nakipagkantahan ang mahigit-kumulang tatlong libong (3,000) freshmen students sa isinagawang Peace Concert Rally ng 502nd Infantry “LIBERATOR” Brigade sa Isabela State University (ISU) Main Campus, Echague, Isabela.

Pinamagatan itong “BAK-2-SKUL ISU-DYANTE JAM” o pang welcome sa muling pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa pangunguna ng Brigade Commander na si BGen Danilo Benavides.

Malaki naman ang pasasalamat ng kasundaluhan sa ipinakitang suporta ng mga mag-aaral at ng Unibersidad sa kanilang ikinasang aktibidad.

Samantala, ibinahagi naman ng mga dating kasapi o na-rekrut ng CPP-NPA-NDF ang kanilang kaalaman sa mga mag-aaral upang makaiwas sa panlilinlang ng mga komunistang teroristang grupo.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang pangulo ng unibersidad na si Dr. Ricmar Aquino sa pagpili ng kanilang paaralan kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na maipakita ang kanilang talento at maiiwas din ang mga ito sa kamay ng mga makakaliwang grupo.

Facebook Comments