Manila, Philippines – Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security ay inilahad ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga patunay na nakialam si Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa kontrobersyal na Philippine Navy Frigate Deal.
Maliban sa mga dokumento ay binanggti din ni Trillanes sa hearing ang pagpapameeting mismo sa palasyo ni Presidential Management Staff Usec. Atty. Lloyd Christopher Lao noong January 20, 2017.
Ang PMS ay nasa ilalim din ng pangangasiwa ni SAP Go.
Present umano sa nabanggit na meeting ang ilang opisyal ng Philippine Navy kasama ang kasalukuyang hepe nito na si Rear Admiral Robert Empedrad.
Matapos ang meeting ay nagpahayag na umano si Empedrad ng pagpabor sa Korean firm na Hanwa para magsuplay ng Combat Management System na ilalagay sa bibilhing warship.
Ayon kay Trillanes, ito ay kahit mas pabor ang Phlippine Navy sa Tacticos Thales at hindi sa Hanwa na hindi umano tugma ang technical specifications sa warship
Sabi pa ni Trillanes, simula umano ng ibigay ni Go ang white paper kay Defense Secretary Delfin Lorenzana noong January 2017 ay nito ikinonsidera ang pagpabor ng Philippine Navy sa Tacticos Thales.
Pero sa kabila ng presentation ni Trillanes ay sinabi ni Committee Chairman Senator Gringo Honasan na walang lumabas sa pagdingi na patunay o mabigat na ebidensya na magsasabing nakialam o nang impluwesnya ni SAP Go sa proseso ng pagpili ng cms para sa Philippine Navy Frigates.
Sa hearing ay ilang senador din ang nagibgay diin sa integridad, krdibilidad at kabutihan ni Secretary Go.