Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Sherry Ann Balmaceda, Human Resource Management Officer ng LGU Cauayan, sinabi nito na ang mga dumalo ay mga itinuturing na ‘frontliners’ sa Lungsod na mula sa iba’t-ibang tanggapan tulad ng City Health Office (CHO), City Mayor’s Office, Treasurer’s Office, City Engineering at iba pang opisina sa Siyudad.
Pinamagatan ang aktibidad ng Integrated Course for Attaining Responsive and Excellent Service in the Government kung saan bahagi pa rin ito ng selebrasyon sa ika-102 taong anibersaryo ng CSC.
Ayon pa kay Ms. Balmaceda, mahalaga aniya ang nasabing aktibidad para mabigyan ng karagdagang kaalaman at magabayan ang mga public servant lalo na ang mga bagong empleyado kaugnay sa mga Do’s and Dont’s sa pagsisilbi sa gobyerno at kung paano pa sila makapag silbi ng mas maayos.
Umaasa naman ito na sa pamamagitan ng kanilang training ay lalong mapaganda ng mga ‘frontliners’ ang kanilang performance at pagbibigay serbisyo publiko.
Payo naman nito sa mga LGU employees na habaan lamang ang pasensya sa sarili lalo na sa mga araw-araw na humaharap at nakikipag-usap sa mga kliyente.