PAGRE-RENEW NG DRIVER’S LICENSE, IPINANAWAGAN NG LTO CAUAYAN

34
Nananawagan ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) Cauayan sa mga hindi pa nakakapag-renew ng lisensya na samantalahin na ang ibinigay na extension o validity ng lisensya.

Kasunod ito ng pagpapalawig ng LTO sa bisa ng Student Permit, Driver’s License, Conductor’s License, maging ang mga Medical Certificate na nag-expired noong Agosto at Setyembre nang hanggang sa ika-31 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Sa ating panayam kay Ginoong Deo Salud, Senior Supervising Transportation Regulation Officer 1 ng LTO Cauayan, sinabi nito na ang mga lisensya na nakatakdang magpaso ng Agosto at Setyembre ay maaari pang gamitin hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Kaugnay nito, hiniling ni Salud sa mga license owner na may expiration date ng mga nasabing buwan na samantalahin na ang mga natitirang araw para makakuha ng bagong lisensya.

Ayon pa kay Salud, mahalaga aniya na updated ang lisensya para iwas sa huli at hindi rin maabala sa biyahe.

Batay naman sa kanyang monitoring, marami ang mga kumukuha at nagrerenew ng drivers license sa kanilang tanggapan subalit marami pa rin naman ang mga hindi pa nakakapag-renew.

Facebook Comments