Nahuli sa akto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang operasyon ng fuel smuggling sa Batangas Port.
Ito’y matapos na mabisto ang iligal na operasyon ng paglilipat ng krudo mula sa barkong “MT Cassandra” patungo sa apat na tanker lorries sa pamamagitan ng malalaking hose.
Lumalabas sa imbestigasyon na may kargang 1.8 million liters na krudo ang naturang barko na may katumbas na halaga na P90 million.
Dahil dito, arestado ang 12 tripulante ng barko na pinaghihinalaang may kinalaman sa operasyon ng smuggling.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC) ang barko at mga tanker para sa imbentaryo at mahaharap naman sa patong-patong na kaso ang mga arestadong tripulante.
Facebook Comments