Nakatakda nang ipatupad ng Department of Agriculture (DA) ang “Fuel Discount for Farmers and Fisherfolk Program.”
Ang pagpapatupad ng programa ay alinsunod sa itinatadhana ng Republic Act 11639 o Special Provision No. 20 ng General Appropriations Act para ngayong taong 2022.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, pinondohan ng ₱500 million ang fuel subsidy program na magbibigay benepisyo sa mga magsasaka at mangingisda
Naniniwala ang kalihim na makakatulong ito para mabawasan ang production at transport costs ng pangunahing farm at fishery products at mapababa ang presyo sa merkado.
Sinabi naman ni DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan,kailangang nakarehistro sa DA’s Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at BFAR’s fisherfolk Registry System ang mga Qualified Beneficiaries ng fuel subsidy.